Bilang protesta sa binigay na price ceiling ng gobyerno, ‘Pork Holiday’ muna ang mga manininda
Ilang mga manininda ng karne ang magdadaos ulit ng ‘Pork Holiday’ bilang akto ng protesta laban sa inilagay na price ceiling ng gobyerno sa presyo ng baboy at manok.
Sa Murphy Market ng Cubao, mayroong sosobra sa 50 mga manininda ang hindi nagbukas ng kanilang puwesto dahil hindi umano nila makayang ibenta ang mga produkto sa presyong gusto ng gobyerno habang ang cost of goods nila ay mataas din. Lugi umano ang mga ito.
Nagsimula noong ika-8 ng Pebrero ang pag-implementa ng price ceiling ng gobyerno. Ang kasim at pigue ay PHP 270 na kada kilo, ang liempo ay PHP 300, at ang manok ay mayroong PHP 160 kada kilo rin.
Ang mga regular na mamimili ng baboy at manok ay bumili na lamang ng isda at mga gulay noong simula ng holiday ng mga manninda.
Sa Commonwealth Market ng Quezon City ay makikitang similar sa Murphy Market, dahil walang mga manininda ang nagbukas ng pwesto para magbenta ng baboy at manok.