Bilang pangontra sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, dapat tulungan ng mga probinsya ang production supply ng NCR.
Inuudyukan ni Senator Risa Hontiveros na habulin ang mga big-time profiteers ng manok at baboy para sa patuloy na pagtaas ng presyo ng nabanggit na bilihin.
Panawagan pa ng Senadora, huwag sisihin ang mga retail sellers nito dahil wala silang magagawa kung ang binabagsak na produkto sa kanila ay mataas naman talaga.
Habang nasa isang Senate Committee Hearing, inengganyo ni Hontiveros ang Department of Agriculture (DA) na antabayanan ang mga nasa taas ng industriya na responsable sa paglobo ng presyo. Hindi umano dapat ang resellers lang ang sisihin dahil hindi lang sila ang nakakaapekto sa presyo.
Bilang pagtatapos, nagwika si Hontiveros na, “Dapat na magtulungan ang PCC, DA at DTI na alamin kung saan nagaganap ang pagpapatong ng malaki at tugisin kung sinu-sino ba talaga ang nananamantala, imbes na magkaroon ng pangkalahatang price control.”