Bilang one-time bonus ng kompanyang Accenture Philippines, inanunsyo nila ang libreng COVID19 vaccination sa lahat ng empleyado nila sa Pilipinas at meron pang bonus.
Inanunsyo noong Martes ng Accenture ang planong free COVID-19 vaccination program para sa lahat ng kanilang empleyado sa bansa, at ang one-time bonus dahil sa maganda ang financial performance nito sa second quarter ng taon.
Ayon din sa managing director ng kompanya na si Lito Tayag, patuloy n amino-monitor at kino-consider nila ang guidance ng external experts and groups, health organizations at local health authorities.
“And on March 18, in conjunction with our Q2 earning announcements, Accenture announced a one-time bonus, equal to one week of base pay, for all people below managing director,” dagdag pa ni Tayag sa kanyang post.
Ayon sa New York Stock Exchange, tumaas ang revenues ng kompanya ng 8% sa second quarter na $12.1 billion. Operating income ay naitala na $1.65 billion, 11% ang pagtaas nitong kumpara sa taong 2020.
Ang naging decision ng Accenture ay para sa commitment nila sa kanilang mga empleyado at masuportahan ang kanilang professional growth and personal well-being.