Bilang ng walang trabaho sa Pilipinas, pinakamataas sa nagdaang 15 taon!

Ipinaalam ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 4.5 Milyong Filipino ang walang trabaho ng nakaraang taon, na nagtaas ng unemployment rate ng bansa sa 10.3%.

Ang bilang na ito ang pinakamataas sa nagdaang 15 taon.

Ayon sa PSA, ang 73.7M na working force population ay mayroon lamang 43.9M – 59.5M na nagtratrabaho o naghahanap pa rin ng trabaho, isang malaking pagkakaiba sa 61.3% noong 2019.

Ang depinisyon ng PSA ng underemployed ay, “employed persons who express the desire to have additional hours at work in their present job or to have an additional job.”

Noong nakaraang taon ng 2020 ay mayroong 6.4M na Pinoy ang kinukunsiderang underemployed sila, mula sa 5.9M noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *