Bilang ng mga Pinoy na nararamdamang mahirap sila, tumataas! Si Nograles aaksyon agad dito!
Patuloy na magste-step up ang Task Force Zero Hunger sa pagreresba sa problema ng pagkagutom sa bansa, lalo na ngayong mayroong survey na nagpapakitang 49% na mga Pinoy ay nagsabing pakiramdam nila’y mahirap sila.
Kinilala ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang resultang ito mula sa national Soxial Weather Survey (SWS) na isinagawa noong April 28 – May 2, 2021.
Matatandaan na noong November 2020 ipinakita ng parehong survey na mayroong 48% na mga Pinoy ang nakakaramdam na sila’y mahirap.
Ipinabatid ni Nograles na ang bilang ay expected na dahil na rin sa limitasyon ng paghahanap buhay ngayong pandemya.
Idinagdag naman niya na ang pagkakabuo ng Zero Hunger task force ay nakatulong sa local food production at nag-tulong ding maiwasang tumaas ang self-rated food poverty kahit sa kasagsagan ng lockdowns.
Aniya, “We also believe that there is growing evidence that tells us that the government should stay the course in its programs while stepping up efforts to stamp out hunger.”