Bilang fan ng popstar, napakalaking bagay para sa kandidata ang suporta ni Sarah G.

Kilig ang nadarama ng Miss Universe 2020 candidate ng Pilipinas na si Rabiya Mateo matapos itong makatanggap ng video greeting of encouragement galing sa iniidolo niyang si Sarah Geronimo, kasama ang asawa nitong si Matteo Guidicelli.

Aminado si Rabiya na batikang miyembro siya ng fansclub ni Sarah G. na kilala bilang ‘Popsters.’

Mensahe ni Sarah para sa kandidata, “God bless you, may God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe 2021 (2020) pageant.”

In-upload ni Rabiya ang mismong video sa Instagram account niya, at nilagyan niya pa ito ng caption na, “Someone is ‘kinikilig’ right now.

“Awww, my popster [heart emoji]. I love you @justsarahgph.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.