Biktima ng pamamaril ang asawa mismo ng suspek dahil walang nasingil ang biktima!

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng asawa sa Brgy. 23, Sarrat, Ilocos Norte.

Ayon sa hepe ng Sarrat Police Station na si Police Major Carlo Abing, inutusan ng lalaki ang kaniyang misis na maningil sa mga mayroong utang sa kanila, ngunit ng umuwing walang nasingil ang asawa, naging baga ito sa isang matinding pagtatalo na kalauna’y nauwi sa pamamaril.

Pagkatappos ng aktong krimen, ang suspek pa mismo ang nagdala sa biktima sa isang ospital kung saan siya sinubukang salbahin Ngunit kalauna’y namatay.

Haharap ng kasong Parricide at paglabag ng R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published.