Biglaang pumanaw ang teenager nitong anak at gusto niyang makita ito sa huling pagkakataon, na hindi pwede dahil sa quarantine!

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ina ang ngayo’y nagmamakaawa ng mas maiksing quarantine period upang makapunta sa lamay ng anak na pumanaw ng nakaraang Linggo.

Ang Grade 10 student na si Cherry Mae Saranza ay dinala sa ospital matapos itong matagpuan ng mga kamaganak na maputla at hindi nakakapagsalita. Sa CT scan dito’y naipakitang mayroong blood clumps sa loob ng kanyang utak, na naging sanhi ng kanyang kamatayan nitong July 7, bago ang sana’y moving up niya mula junior high school.

Ang ina nitong si Rosamil Saranza ay nahirapang mag-book ng flight galing United Arab Emirates at hindi naabutan ang anak sa huling sandal nito. Hindi niya napigilan ang luha ng inaalala ang huling sandal kasama ang anak at na ito’y sa video call lamang.

Ani pa ni Rosamil, “Hindi mo man lang mahawakan, sa camera mo lang makikita. Hanggang sa tuluyang bumigay na. Kinakausap ko na lang, ‘Antayin mo lang si Mama, lakasan mo lang anak.’”

Ngayon ay nasa Tanza, Cavite na si Rosamil at nasa ikatlong araw pa lamang ng striktong 14-day isolation protocol ng bansa. At ngayon, nanghihingi siya ng pang-unawa na payagang maiksi lang ang quarantine period upang makapunta sa lamay ng anak.

Aniya, “Nagmamakaawa po sa inyo sa kahulihulihang pagkakataon, pagbigyan niyo na makasama ko ng saglit ang anak ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *