“Bibilisan pa lalo namin ang aming kilos upang agad matugunan ang pangangailangan niyo.”

Nagdala ng paalala at mensahe ng reassurance si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa mga Pilipino na, “Tungkulin namin sa pamahalaan na bigyan kayo ng bilis kilos na serbisyo.”

Matagal nang ipinapangako at naipapakita ni Isko Moreno na ang Manila LGU ay laging #BilisKilos lalo na sa pagresponde sa mga isyu na maaaring kinakaharao ng mga residente ng Manila.

Paalala niya pa, “Hindi kami titigil sa paggawa ng iba’t-ibang kaparaanan para tugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino, taga Maynila man o hindi.”

At iginiit na, “You deserve better from your government.”

Matatandaan na ang siyudad ng Manila ay kinikilala ng ilang mga international organizations bilang isa sa may pinaka-mainam na response at actions kontra sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.