Bea Alonzo, #ProudToBeAKapuso na!

Opisyal nang inanunsyo ng GMA Network ang bagong miyembro ng kanilang family na si Bea Alonzo.

Binahagi ng estasyon ang balita sa kanilang social media accounts kaalinsabay ng isinagawang contract signing ng aktres sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong City ngayong July 1 lamang.

Pahayag ni Bea sa desisyon niyang ito na siya’y, “Looking forward to working with Kapuso artists.”

Mayroon nang mga bali-balita nga na siya’y makikipagtambalan kay Alden Richards para sa isang movie. Ito’y magbibida sa Philippine adaptation ng Japanese TV Drama ‘Pure Soul’ na naging inspirasyon din ng South Korean film na ‘A Moment to Remember.’

Inaabangan daw ngayon ni Bea ang mga developments sa kanyang career bilang Kapuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.