Bayaran na ang mga ospital dahil maaapektuhan ang pandemic response nila sa kakulangan ng funds!

Ipinaaalala ni Senator Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran na ang mga unpaid claims ng mga ospital na nangangailangan nito dahil malaking dagok ito para sa kanila’t nakakaapekto pa sa pandemic response.

Nagbanggit ng mga ulat si Poe at itinala niya ang Western Visayas lamang daw ay mayroong claims ng ospital at mga laboratory na aabot na sa PHP 800M.

Ani pa ni Poe sa isang pahayag, “PhilHealth should pay up. Hospitals are battlegrounds in this fight against COVID-19. They need what’s due to them, especially in this time when a number of them are overwhelmed with patients due to the recent surge of infections.”

Itinuturo rin niya na ang parehong rehiyon ay nag-alarma na sa national government ng kakulangan ng hospital beds, kakaunting medical staff, kakulangan ng vaccine supply, kaunting supply ng medisina, at ang kabagalan sa pagbayad ng PhilHealth sa dues nila.

“Lives are on the line every day. The people should be able to rely on the promises of the state health insurer amid the health crisis.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *