Bato, Catanduanes Police Chief Ariel Buraga sinibak sa pwesto

Ang Police Chief ng Bato, Catanduanes na si Ariel Buraga ay sinibak sa pwesto dahil sa kanyang kontrobersyal na FB post kaugnay sa nangyaring pagpatay ng kapwa pulis sa mag-inang sibilyan.

Ang nabanggit na post ni Buraga ay umani ng iba’t ibang komento dahil nagtutunog na sinisisi niya ang mag-inang Gregorio. Diumano, wala silang respeto kaya sila nabaril.

Tinanggal na sa kanyang ranggo si Buraga.

Ayon sa PNP Spokesperson PBGen. Ildebrandi Usana, “May policy din po kasi tayo sa mga pulis na ‘wag gamitin ang social media sa mga opinyon na ‘di magbibigay ng hustisya para sa propesyonal na pagtanaw ng PNP sa isang usapin.”

Nagpadala ng liham si Bato, Catanduanes Mayor Juan Rodulfo sa provincial director ng PNP na naghahangad diumano silang mapalitan si Buraga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.