Batikos at kritisismo, inaani ng headpiece designer na hindi nasuot sa National Costume segment!
Batikos at pamba-bash ang nakukuha ngayon ng headpiece designer na si Manny Halasan matapos hindi magamit ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang dinisenyo niyang headpiece at alahas para sa National Costume nito.
Nagpaliwanag si Halasan matapos ang walang tigil na pambabash sa kanya upang manahimik na ang mga ito. Aniya, “Clear ko lang po, wala po akong sinisisi.
Hindi ko po sinisisi ang Miss Universe Philippines Organization (MUPO) o si Rabiya.”
Idinagdag niya na, “For the record po, after the National Costume competition, tumawag si Albert Andrada, nagpapaliwanag sa nangyari at na nahihiya daw sa akin.”
Bilang pag-clear out sa ilang mga tsismis na kumalat online, hindi umano aabot sa 3 kilos ang headpiece na pinagkakalat online na 15 kilos daw ang timbang. Hindi rind aw kinakailangan ang clips para masuot ang headpiece dahil kaya nitong mag-adjust sa kahit anong size at configuration.
Ipinaalala rin ni Halasan na, “Two weeks na pinaghirapan at pinagpuyatan, sariling budget and materials.”
Tungkol naman sa injury ni Rabiya dahil sa pagsusuot ng headpiece, sinabi ni Halasan na, “Sinubukan at prinaktis isuot ang headdress bago ipinadala sa MUPO.”
Mayroon namang paalala si Halasan sa lahat ng mga nambabatikos sa kanya at pati na rink ay Rabiya “Isa lang naman ang gusto nating lahat, ang suportahan ang candidate natin. Wala tayong dapat pagtalunan o sisihin.”