Batang Moroccan, lumangoy papunta sa ibang bansa upang mabuhay.
Isang batang lalaki na Moroccan ang lumangoy mula sa bansa niya patungo sa North African enclave ng Ceuta ng Spain upang makatakas lang sa Morocco. Gumamit ito ng empty plastic bottles upang maaalalayan siyang lumutang.
Sinabi daw ng bata na mas gugustuhin nitong mamatay kaysa sa bumalik sa pinanggalingan.
Umani ng international attention ang bata dahil sa sitwasyon nito bago makarating sa beach. Nakalutang siya sa dagat, umiiyak, mayroong mga bote sa ilalim ng blue t-shirt na suot.
Ani ng sundalong nag-rescue dito, “He didn’t want to go back, he didn’t have any family in Morocco. He didn’t care if he died from the cold. He said he preferred to die than go back to Morocco.”
Nang mahuli, inalalayan ng mga sundalo ang bata papunta sa border sa pagitan ng 2 bansa kasama ang ibang mga migrants. Walang ideya ang mga ito sa kinahinatnan ng bata.
Illegal ang pagde-deport ng mga menor de edad sa Spain at umaabot na sa daang kabataan ang prinoproseso sa isang reception center sa Ceuta.
Isa lamang ang batang ito sa aabot 8,000 kataong nilangoy o inakyat ang border fence matapos i-relax ang border control. Nagpadala na ng mga sundalo ang Spain upang ma-patrol ang border at nananawagang i-deklarang krisis ang sitwasyon sa Europa.
Idinagdag ng sundalong nag-rescue dito, “You feel frustrated, desperate that you can’t do more for that boy.”