Batanes, nasa ilalim ng signal no. 1 dahil dito!
Tropical Depression na lamang si Dante matapos itong pumasok ulit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Naunang nag-peak ito bilang isang tropical storm na nagdala ng debastasyon sa mga lugar na dinaanan nito.
Sa 5 P.M. Bulletin ng PAG-ASA noong June 4, naipakitang nakapasok ulit ito sa PAR pagka-4 P.M. at nakikitang patuloy na gagalaw pa-northeast.
Ang bagyong Dante ang ikaapat na storm sa bansa at nakapatay na ng 6. Nagdala rin ito ng PHP 63M na agricultural damage, at gumagalaw pa-northeast ng 20kph.
Nagpalabas pa rin ng gale warning ang PAG-ASA sa northern seaboard ng Northern Luzon dahil rough seas ang maabutan na mayroong 2.8 to 4 meters.