Baron Geisler: bagong buhay at iwas gulo na!

Isa sa mga ma-kontrobersyal na aktor ng industriya sa kanyang panahon si Baron Geisler ngunit sa kasalukuyan inamin ni Baron na ayaw niya na ng gulo.

Simula ng magkapamilya ang aktor ay inamin niyang marami ang nagbago sa kanya lalong lalo na nung dumating ang kanyang anak na si Baby Tali. Sa Cebu ngayon naninirahan si Baron kasama ang asawang si Jamie Evangelista at kontento siya sa buhay probinsya nila.

“Sinubukan ko ang simpleng buhay sa Cebu. Sobrang simpleng buhay. It kinda worked. Nakatulong siya na magpa-humble sa akin,” pahayag ni Baron.

Dulot rin ng pandemya, ay maraming natutunan na aral si Baron lalo na bilang isang padre de pamilya tungkol sa pagba-budget. Nakahiligan niya ring magbasa ng libro at mas tumibay pa ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

“Ang pangkabuhayan ko, whenever I pray, God answers. The universe provides. A miracle will happen.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.