Banking services dapat abot na sa mga baryo nang mas madaling matanggap ng bayan ang kanilang ayuda!

Iginigiit ni Senator Grace Poe ang kahalagahan sa pagkakaroon ng accessible na banking services sa mga baryo ng bansa, lalo na’t dumarami ang nagtratransact ng kanilang pera digitally para maiwasan ang posibleng transmission ng coronavirus.

Idinagdag pa niya na kung mayroong ‘Bangko sa Baryo’ ay mareresolba nito ang problema sa mabilisang pagbibigay ng financial assistance sa mga tao, dahil idedeposit nalang ito sa mga account nila.

Ang isinusulong ni Poe na pag-institutionalize ng Bangko sa Baryo ay naglalayong magpa-expand ng mga bangko sa pamamagitan ng mga ‘cash agents’ nang makapagbigay sila ng services sa mas maraming tao, partikular na sa mga rural areas.

Sa ilalim ng SB 1682, ang mga ‘cash agents’ ay maaaring mga reputable convenience stores, pharmacies, at iba pang accessible retail outlets. Sa pamamagitan ng mga ito, makakapag-transact na ang mas maraming tao gamit ang kanilang bank account, mula sa fund transfers, check encashment, bill payments hanggang sa self-service transactions.

Isa pang benepisyo nito aniya, “Cash aid, loans, or any form of assistance can get faster to our people without having to travel long distances or wait in lines.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *