“Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya.”

Pinaghahandaan ng maigi ni Richard Yap ang unang pagtatambal nila ng fashion icon na si Heart Evangelista.
Ibinahagi ng aktor na halong kaba at excitement ang nadarama nito para sa unang teleserye niya bilang Kapuso.
Hindi lang sa tambalan nila siya excited, kung hindi ang pag-explore rin sa napakagdang probinsya ng Sorsogon. Sabi pa nito, “I’m really excited to go to Sorsogon because hindi pa ako nakapunta doon. I’ve been to other parts of Bicol like Legaspi, Albay pero hindi pa ako nakakapunta ng Sorsogon.”
Isa daw sa mga preparasyon niya ay ang pagpapaganda ng katawan para makasabay sa kaseksihan ng leading lady niya. Ani pa ni Richard, “Ako nagpapapayat kasi si Heart very petite. Baka masyado akong malaki tingnan kapag katabi ko siya.”
Sa panig naman ni Heart, inaabangan din umano niya ang tambalan nila ni Richard. Ani pa ng aktres, “I haven’t met him actually. I’ve never met him or spoken to him but we do have common friends and they have really nice things to say about him.”
Very soon ay ipapaalam na ng Kapuso network ang ikalawang leading man ni Heart para sa palabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.