Bahala na kung lumiit ang income niya basta makapagbigay siya ng hanapbuhay sa mga trabahante!

Kahanga-hangang business owner si Judy Ann Santos sa kabila ng mga challenges na binibigay ng pandemya sa bansa.

Sa isang interview nito about sa negosyo nag-open up si Judy Ann tungkol sa isang desisyon niyang hindi madalas mabalitaan mula sa companies.

Desidido kasi ang aktres na hindi magtanggal ng empleyado sa kanyang negosyo, kahit na ibig sabihin nito’y mas maliit ang income na napupunta sa kanya kumpara sa normal.

Ani ni Juday, “Kasi kapag nasa food business ka sa gitna ng pandemya, ayaw mo madagdagan yung mga taong walang trabaho.

Kung ano yung kikitain natin kahit maliit, okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is.”

Binaha ng papuri ang aktres para sa tulong at generosity na ipinapakita nito kahit na nasa kasagsagan tayong lahat ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.