Bahagi ito ng programa niyang Pilipinas Kontra Gutom, para sa patuloy na paglaban sa problema ng kagutuman sa bansa!
Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagdadaos ng isang webinar series sa ilalim ng kanyang adbokasiyang, ‘Pilipinas Kontra Gutom.’
Ang ‘Kumain Webinar Series’ ay sinimulan para mapaniguro na ginagampanan ng mga partner agencies na maayos at epektibo ang mga aksyong isinasagawa nila para sa patuloy na paglaban kontra hunger at na tuloy-tuloy ang malawakang feeding programs.
Pahayag pa ni Nograles, “Sa pamamagitan ng KUMAIN webinar series ay mas malapit na tayo sa commitment naming to end all forms of hunger and all forms of malnutrition.”
Sa kasalukuyan ay nasa ikawalong bahagi na ng series ang idinaraos at kasama dito ang mga State Universities and Colleges (SUCs) and Higher Education Institutions (HEIs) upang sila naman ang mapagkunan at mabahagian din ng impormasyon na may kinalaman sa food technologies.