Bagong car galing sa asawang si Trevor Magallanes!

Napapa-hashtag ‘#SanaAll’ nalang ang mga fans at followers ng komedyanteng sj Ruffa Mae Quinto sa bagong birthday gift na natanggap niya mula sa asawang si Trevor Magallanes.

Paano ba naman, ‘to the highest level’ ang pagkabongga ng natanggap, brand new car na hindi naman daw talaga in-expect matanggap ni Ruffa Mae.

Posted sa Instagram account ni Ruffa Mae ang short video na nagte-test drive siya sa natanggap na sasakyan na siguradong nagpapa-go go go rito.

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa ang aktres kasama si Trevor at ang anak nilang si Alexandria.

Leave a Reply

Your email address will not be published.