Bago ang taping, sumuong muna ng training si Julia para mapaghandaan ang role sa action series!

Nasimulan na ni Julia Montes ang taping para sa parte niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Binahagi pa ng Dreamscape Entertainment ang isang video ng first day sa taping ng aktres at makikitang ito’y nagmamaneho ng motorsiklo.

Bago ang taping na ito, dumaan muna sa iba’t ibang uri ng training si Julia para mapaghandaan ang role niya sa action series.

Sa isang interview tungkol sa bagong role niya, ani ng aktres na, “Siguro kung ico-compress ko into words it is more of blessed lang talaga and honored to be part of this big project.”

Nang natanong kung pressured ba siya dahil kasama ng acting ay directed siya ni Coco Martin, ang sagot lang nito’y, “Siguro ‘yung pressure gusto kong ma-meet ‘yung expectation niya at lahat ng team kasi lahat talaga dedicated.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.