Bagama’t single ang aktres ngayon ay diretsahan niyang sinabi na ready na siyang maranasan na ma-inlove ulit.

Matapos ang naging hiwalayan ni Claudine Barretto at asawa nitong si Raymart Santiago ay inamin ng aktres na ready na ulit siyang magmahal. Sa naging vlog na pinost ng kaibigan niyang si Janelle Jamer, tinanong siya tungkol sa magiging bagong lalaki sa kanyang buhay.
“Oo naman. Kaya lang, wala pa rin talagang dumarating. Hindi ko rin kinukulit si God, kapag dumating, eh darating talaga. Ganu’n talaga, eh,” na kanya naman sinagot.
Napag-usapan din ng aktres tungkol sa yumaong boyfriend nito na si Rico Yan noong 2002 at inamin ni Claudine na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa nangyari. “Mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala ‘yon. I think hindi nawawala ‘yun kapag namatay na ‘yung tao.”
Nabanggit din ng aktres ang possibleng pagkakaroon ng anak in the future sa pamamagitan ng adoption o di kaya’y magpapa-freeze ng kanyang egg cells para sa kanyang next partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *