Backyard farmers ng Pandi, Bulacan nakatanggap ng tulong pinansiyal!

Malugod na hinandugan ng tulong pinansiyal ni Senator Grace Poe ang mga Bulakenyong nakatira sa Pandi, Bulacan, bilang bahagi ng programa nitong ‘FPJ Panday Bayanihan.’

Mga residenteng mayroong maliliit na manukan at babuyan ang nakatanggap ng tulong, at sila’y pinapila sa M.C. Bernardo Memorial School Sports Complex.

Pahayag pa ni Poe, “Sa bawat pagtulong, nais nating ipakita na may pag-asa.”

Habang idinadaos ang pamimigay ng tulong, inobserba ang pag-implementa ng minimum health protocols upang masigurong ligtas ang lahat habang nagbabahagi ng pinansyal na tulong.

Sa pamamagitan ng programang ito naisisiguro ni Poe na, “Lahat aangat, walang iwanan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.