“Babae po ang anak ko, and her name is Aura.”

Nang mag-guesting sa Eat Bulaga, ipinakilala na ni Alice Dixon ang kanyang baby girl. Nagkaroon ng Mother’s Day special ang ‘Bawal Judgmental’ segment, na nagbibida ng mga first-time moms.

Matatandaan na sa edad na 51, nagka-baby by surrogacy si Alice.

“Babae po ang anak ko. Her name is Aura,” ang pahayag ng aktres.

Idinagdag ng aktres na sobrang saya niya kasama ang anak at na napatunayan niya na nga ang kasiyahan ng pagiging isang ina, at may pagsisisi siyang pinaabot niya pa sa edad 50+ ang pagbubuntis through surrogacy.

Siya rin umano ang nag-asikaso sa byahe ng anak mula sa bansa ng surrogate nito pauwi sa Pilipinas. Dahil sa pandemya, limitado lang ang makakabiyahe at hindi niya mahingan ng tulong ang pamilya, kaya lahat, siya lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.