Ayuda at tulong sa taumbayan, kailangan nang matanggap ngayon! Tama na ang pagpapabaya!

Kasama ng mga Local Government Units (LGU) si Senator Risa Hontiveros sa paghahanap ng karampatang funds para sa gagawing pamimigay ng ayuda sa mga residente ng mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Itinanong ni Hontiveros na, “Nasaan na ang ayuda? Hindi lamang ako ang nagtatanong nito. Ang mga local government units na under ECQ, naghahanap na rin.”

Matatandaang recently ay naipuna ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na mas maliit ang natanggap na cash aid para sa lungsod kung ikukumpara sa natanggap nila noong Abril.

Ani Domagoso, “Kulang ng mga PHP 34M mahigit. ‘Yung PHP 34M if PHP 4,000 per family, mayroong 8,662 na pamilyang hindi mabibigyan.”

Matapang ding sinabi ni Hontiveros na, “Masarap pakinggan ang sinasabi sa press release, pero hindi nakakain ang mga pangako. Kailangan nila ang tulong ngayon na.”

Bilang pagtatapos, “Tama na ang lip service. Bawal na ang tutulog-tulog. Wala nang lugar para sa mga pabaya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *