Ayon sa PNP, nanlaban diumano ang mga aktibista kaya napatay!
Iginigiit ng Philippine National Police na lehitimo ang mga operasyong isinagawa nito sa Calabarzon na nagdala sa kamatayan ng siyam na aktibista at paghuli sa anim na iba pa.
Ayon sa spokesperson ng Calabarzon sector ng pulisya na si Lt. Col. Chitadel Gaoiran na ang mga biktima ay nasa ilalim ng mga search warrants at nanlaban din sa mga sundalo’t pulisya sa eksena. Ang search warrants ay para sa paghahanap ng mga loose firearms at explosives.
Sinuportahan ito ni Gen. Debold Sinas, ang hepe ng PNP, na nagsabing, “It’s a legitimate operation because they are covered by search warrants. If you know how difficult it is to get search warrants, then you would understand. You have to justify the charge.”