Ayon sa naging pahayag ni CabSec Karlo Nograles, ready na ang Davao City sa pagpapabakuna laban sa COVID-19
Handa na ang lahat, ito ang naging pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos ang third simulation exercise sa Davao City sa preparation nito sa COVID-19 vaccination.
“Everything is already well-prepared, the only thing that is missing here is the vaccines,” dagdag ni Nograles.
Ang preparation ng lungsod ay pinuri rin ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr dahil ang primary COVID-19 facilities at health care workers sa Davao City ay may tamang training sa magiging vaccination program. In-ensure din ng Food and Drugs Administration sa publiko na ang gagamiting mga bakuna ay ligtas at aprubado. Ang lungsod ng Davao din ay mali-link sa system ng FDA at World Health Organization para ma monitor ang posibleng risk at problema sa gagawing pagpapabakuna.
Sa kasalukuyan ay may 12,237 na kaso ng COVID-19 as of Feb. 13, ang Davao City at 1,306 ang active cases nito. At halos edad 22-28 at 32-38 ang mga taong apektado ng infection, at ang mga namamatay ay may edad na 59-90 anyos.