Ayon sa bagong datos galing DepEd, aabot sa apat na milyong estudyante ang hindi nakapag-enroll sa kasalukuyang school year.

Ilang mga Senador ang nagpahayag ng pagka-alarma sa dumaraming bilang ng mga out-of-school youth (OSY) dulot na rin ng COVID-19 pandemic sa kabila ng mga bago at pinagtibay na polisiya ng Department of Education (DepEd) dala ng ilang buwan ng blended at distant learning.

Nagpaabot ng babala si Senator Sonny Angara, ang chairman ng Senate committee on youth, na ang pagtaas ng bilang ng OSY ay serysong isyu na magdadala ng mas malalang problema kung hindi papansinin.

Ani niya, “We understand that the sharp drop in enrollment for the current school year was due to the restrictions on face-to-face education. We hope to see these figures improve once our schools start to open up again, albeit gradually.”

Ayon sa datos galing sa Philippine Statistics Authority, ang pinaka-komon na mga rason bakit hindi dumadalo ang mga OSY sa eskwela ay rasong pampamilya, kawalan ng interes, at ang mahal na presyo ng pagpapatuloy sa pag-aaral sa kasagsagan ng pandemya.

Upang matulungang agapan ang isyung ito, tinutulak ni Angara ang pagtatatag ng Magna Carta of the OSYs gaya ng napropose sa kanyang Senate Bill 1090.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *