Ayon kay Hontiveros, ito ang mga susi para malabanan natin ang Delta.

Iminumungkahi ni Senator Risa Hontiveros na pakiggan na ng pamahalaan ang payo galing sa mga ekspertong mas nakakaalam tungkol sa pandemya, at sa bagong Delta variant.

Pinapanawagan din nito na dapat mayroong angkop na ayudang ipapamigay sa mga apektado ang hanapbuhay dahil sa community quarantine, at mag-implementa na ng malinaw na direktiba sa pagbabakuna, testing, at contact tracing.

Kasama ni Hontiveros sa panawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na agarang nagbigay ng pahayag dahil sa pagpapatupad ulit ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang panangga sa tumataas na namang COVID-19 cases na dinagdagan pa ng banta ng Delta variant.

Idinidiin ni Hontiveros na dapat ang usapin ng community quarantine ay mayroong awtomatikong kasama na usapan tungkol sa ayuda, at sa kakulangan ng pagbabakuna, testing, at contact tracing.

Idinagdag pa nito na, “Dapat lubusin ng gobyerno ang paghahanda at gawin ang lahat upang hindi tayo matulad sa pagdurusang sinapit ng India at Indonesia dahil sa paglobo ng kaso ng delta variant.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *