Ayon ito sa pinost ng line producer na si Dennis Evangelista kasama ang ina ng namatay na flight attendant na si Sharon Dacera patungkol sa pinag-uusapang proyekto nito.

Pinag-uusapan ngayon ang pag-sasapelikula ng buhay ni Christine Dacera, matapos magpost ang isang line producer kasama ang nanay ng flight attendant na si Sharon Dacera.
Si Christine Dacera ay isang flight attendant, na natagpuang patay noong January 1, 2021 sa hotel room nito. Unang lumabas sa imbestigasyon na ito ay isang rape-slay case ngunit sa patuloy na pag-iimbestiga ay nalamang namatay ito ng natural cause.
Isang independent producer ang nais gawin ang proyekto na magfo-focus sa buhay ng dalaga bago mangyari ang kontrobersyal na pagkamatay. Isa sa mga kwestyon ng karamihan ay sino ang magdi-direk at gaganap sa Christine Dacera, na ngayon ay wala pa ring impormasyon. Sa kasalukuyan, wala pang pormal na plano ang pelikula ngunit kapag meron na ay ilalabas din ang announcement ng proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.