Ayaw sumunod sa utos ng kapitbahay, kaya pinagbabaril!

Isang 15-year-old na binata ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City ang binarily umano ng kapitbahay matapos itong tumanggi sa utos nito.

Ang biktima ay si Richard Misa, isang Grade-7 student. Madalas daw itong tumanggap ng pera kapalit ng ilang utos ayon na rin sa mga magulang niya.

Nitong Miyerkules daw isang kapitbahay nila ang nag-utos ditong bumili ng softdrinks para rito pero tinanggihan umano ni Richard. Ayon kay Raul, ama ni Richard, na sinabihan daw ni Richard ang kapitbahay ng, “Kuya pagod na po ako, pahinga na po ako,”

Ikinainis daw ito ng kapitbahay nila at naglabas ng baril sa harap ni Richard. Mayroong witness na nagsabing sa unang 2 kalabit sa gatilyo’y hindi pumutok ang baril pero sa ikatlo, pumutok na nga.

Wala pang medico-legal na nairelease pero ang imbestigasyon ng pulis ay nagpakitang nabaril si Richard sa kaliwang mata.

Kasalukuyang nasa isang manhunt operation ang Pasig City Police para mahuli ang suspect na kinilalang “Alias Negro.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.