‘Avant Garde at Modern’ ang bitbit na costume ng pambato ng Pilipinas!
Pinagtulungan ng mga well known personalities ng Philippine Fashion ang mga susuotin ni Miss Universe 2021 Philippines candidate na si Rabiya Mateo.
Ang suot ni Rabiya na national costume ay disenyo ni Rocky Gathercole, habang ang ilang mga key accessories niya ay ginawa ni Manny Halasan. Matatandaang pumanaw si Gathercole kaya si Halasan ang nagpursiging makumpleto ang susuotin ni Rabiya.
Nang matanong si Halasan tungkol sa susuoting national costume ng kandidata, “It’s very avant-garde, very modern. Pag nakita mo siya it represents the whole country, makikita mo ‘yung Pilipinas and also ma-iinspire ka kasi ma-iimagine mo ang hopes and dreams ng bawat Pilipino.”
May mensahe rin si Halasan para kay Rabiya, “Thank you kasi matapang siyang lumalaban para sa bansa natin at para sa korona and thank you sa ibinibigay niyang inspiration ngayong panahon ng pandemic.”