“At the age of 38, I’m so happy you’re getting married ‘coz finally, Angel will take care of you and not me anymore!”

38 taong gulang na si Neil Arce, ang ngayo’y asawa ni Angel Locsin, pero sobrang spoiled pa rin nito sa kanyang Mommy Jean. Nag-iisang anak niya ito, at matagal na palang binubuyo na magpakasal na’t magka-asawa.

Sa Youtube channel ng ‘The Angel and Neil’ makikita kung sino si Neil Arce at naipamalas din ang samahang mayroon ito sa ina, na kung titingnan ay turingang magkapatid na rin dahil chill lang si Mommy Jean nito.

Sabi nito sa video, “Alam mo super happy talaga ako magpapakasal ka na ngayon kasi 38 years old ka na!

Finally, Angel will take care of you and not me anymore!”

Binigyan niya pa ng payo ang bagong mag-asawa na, “The best thing, maging under ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo.”

Tumugon naman si Neil dito ng, “Ngayon palang umpisahan ko na puro ‘okay-okay’.”

Patuloy pa ni Mommy Jean, “Ikaw dapat mag-asikaso sa bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. ‘Pag nagkaanak kayo dapat ikaw ang mapupuyat hindi si Angel. GUsto mong maging masaya asawa mo? Ipag-shopping mo, happy wife happy life!”

Naibuking din ni Neil na ngayon ay dalawa na ang tatalak sa kanya kasi tambalan si Mommy Jean at ang asawa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.