Aprubado ng World Bank ang US $500M loan ng Pilipinas para COVID-19 response
Inaprubahan na ng World Bank ang US$500 million na utang ng Pilipinas upang masuportahan ang programa ng bansang bumili at magbahagi ng COVID-19 vaccines, upang mapalakas ang health system ng bansa, at ma-overcome na nang tuluyan ang impact ng pandemya lalo na sa mga mahihirap.
Ibinahagi ng World Bank sa isang press statement na inaprubahan nila ang loan na ito base sa vulnerability at risk ng bansa sa harap ng pandemya.
Hindi pa mahabang panahon ang nagdaan mula nang maapruba ng World Bank ang $900 million loan facility nito sa Pilipinas upang masuportahan ang mga proyektong nakasentro sa recovery mula sa pandemya at mga natural na disasters.