Ani ng pulis, inagaw daw ang baril? Ani naman ng ina, takot daw sa pulis kaya imposible! Alamin!!!
Ibinalita ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na pangungunahan ng opisina niya ang imbestigasyon sa insidente ng pagpapatay ng isang pulis sa 18-year-old participant ng illegal cockfighting activity.
Nakausap umano ni Gatchalian ang ina ng 18 year ild at nagsabi itong ang anak na napatay ay mayroong special needs.
Ang rason daw sa pakikipag-usap ni Gatchalian dito ay, “Before I talk to the police I have to listen to the side of the mother first. Nakita ko ‘yung police report, pero we need to listen to the details from the parents.”
Ayon sa pahayag ng ina ng biktima, takot daw ang anak sa pulisya kaya imposibleng nakipag-away ito sa isang law enforcer, na claimed ng pulis.
Ang kwento ng pulis, hinawakan daw ng menor-de-edad ang service firearm ng isang opisyal sa raid, na nagdulot ng alitan sa pagitan nito.
Sa alitan naganap ang pagkakaputok ng service firearm na tumama sa biktimang si Edwin Cabantugan Arnigo.
Dead on arrival ang biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan siya dinala ng operatiba.
Hindi ipinaalam kung sino ang nasangkot sa insidente pero nasa ilalim ito ng restrictive custody at tinanggalan na ng armas.
Nitong Linggo naganap ang insidente matapos makatanggap ng ulat tungkol sa illegal cockfighting operation.