Angel Locsin nagbukas ng community pantry upang ipagdiwang ang birthday

Umakto bilang Darna si Angel Locsin, at hindi na niya ito binitawan.
Nagbukas ang real-life Darna ng bagong community pantry para sa birthday niya ngayong Abril 23, 2021 upang mabigyang pugay ang lahat ng mga Filipino na nagtutulungan mabigyan ng libreng pagkaina ng mga nangangailangan sa kasagsagan ng pandemya.
Aniya sa kanyang Facebook post, “Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here.”
Pinaaalahanan ng aktres na sumunod ang mga bibisita sa safety protocols.
Noong nakaraang linggo lamang ibinalita ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City na si Angel Locsin, kasama ni Anne Curtis, ay nag-donate ng PHP 1M each sa syudad upang matulungan ang COVID-19 efforts nila, at hindi pa umano nag-ingay ang dalawa sa charity na ito.
Ang dalawang aktres din ay nag-angkat ng PHP 6M sa isang celebrity auction na dinonate nila sa Philippine Red Cross at limang LGUs ng bansa, kasali na ang Pasig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published.