Ang unemployment rate ay nananatili sa 7.7%, isa sa pinakamababang bilang mula noong simula ng pandemya.
Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na ang unemployed persons ay umabot ng 3.76M noong Hunyo 2021, mula sa 3.73M na naitala noong Mayo 2021.
Ang mga industriyang nawalan ng mga employees ay makikita sa accommodation and food service, public administration and defense, compulsory social security, transportation and storage, at financial and insurance activities.
Ang underemployment para sa Hunyo ay lumaki mula sa 5.49M papunta sa 6.41M. Mayroong underemployment rate ng 14.2% noong Hunyo sa 12.3% ng Mayo.
Ang workforce ay binubuo ng services sector na mayroong 57.6%, agriculture na 24.3%, at industry na mayroong 18.1%.
Maaari umanong dumami ang unemployed na mga Pinoy lalo na’t mayroong implementasyon ulit ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.