Ang UK Variant ng COVID-19 virus ay nakitang mas nakakaapekto sa mga bata kumpara sa ibang age groups!
Napag-alaman ng US director ng Center for Infectious Disease Research and Policy na si Dr. Michael Osterholm na ang coronavirus variant: B.1.1.7, o mas kilala bilang UK variant/strain, ay mas madaling makahawa ng virus sa bata at adults kung ikukumpara sa ibang coronavirus strains.
Sa America, ilang mga eskwelahan na ang nagkaroon ng outbreak pero hindi ito gaano ikinakabahala dahil ang vaccine program nila ay epektibo laban sa B.1.1.7 variant.
Sa Pilipinas ay dumarami rin ang mga ulat ng mga carriers ng bagong variant na ito, ngunit wala pang malawakang vaccination program gaya ng Amerika. Ayon sa National Government at Vaccine Czar, wala pang deals na nai-close para masimulan ang programang ito.
Ito ay matapos umutang ang administrasyon ng bilyong dolyares sa World Bank upang masustentuhan ang vaccination program sana ng bansa, na hindi pa nagsisimula isang taon at isang buwan matapos ang unang lockdown.