Ang Serbia basketball team ang ikalimang grupo sa world rankings.

Bumabaha ang papuri para sa Gilas Pilipinas na pinakaba ang Serbia sa isang basketball match sa pagkakaroon nila ng slim lead sa 4th Quarter ng game.

Sa homecourt ng mga Serbians sinalubong ng mga ‘boos’ ang miyembro ng Gilas, ngunit sa kabila nito’y nakayanan ni RJ Abarrientos makaya ng lead, 74-73, laban sa mga higante ng basketball.

Dahil dito’y makikitang nag-panic talaga ang Serbian team na nanalo ng may 83-76 score.

Matapos ang laro, kahit natalo ang gilas ay nag-huddle sila sa gitna ng court ng may mga ngiti dahil alam nilang naipakita nila ang lahat para sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.