Ang Senate Bill No. 1994 na isinulong ni Sen. Grace Poe ay magbibigay ng patunay na ikaw ay nabakunahan na.
Nasapasa na ang Vaccine Program Bill o Senate Bill no. 1994 ni Senator Grace Poe sa Senado. Sa ilalim nito mabibigyan ng trabaho ang Health Secretary na magbigay ng ‘vaccine passports’ sa mga Pinoy na nabakunahan na.
Ang vaccine passports na ito ay magiging patunay na ang may-ari ay nakakumpleto na ng full course of immunization laban sa COVID-19.
Ang maganda pa rito na itinuro ni Senator Poe ay ang bill na ito, kung maisasabatas na nga, ay magagamit din sa mga maaaring lumabas na mga infectious disease in the future.
Sa explanatory note ng bill, “The idea of vaccine passports have recently gained traction in international circles. Countries such as Denmark, Greece, and Israel have all started to take steps in this direction.”
Ang inisyatibong ito ni Senator Poe ay sinusupotahan din umano ng Department of Health (DOH).
Ang pagkakaroon ng vaccine passports sa mga mamamayan ay magpapaubaya sa IATF ng Management of Emerging Infectious Diseases na magpalabas ng mga rules and regulations kung anong mga aktibidades ang mangangailangan ng pagkakaroon ng vaccine passport.
Paalala lang din nila na hindi ito gagamitin bilang valid proof of identity.