Ang rapper na likod sa sikat na kantang ‘Watch Me (Whip/Nae Nae)’ na si Silento, Ricky Hawk, ay inaresto sa pagpapatay sa sariling pinsan.

Ang rapper sa likod ng sumikat na kantang ‘Watch Me Whip/Nae Nae’ na si Ricky Hawk, o mas sikat sa bansag na Silento, ay inaresto dahil sa pagpapatay nito sa sariling pinsan.

Kinumpirma ito ng DeKalb County Police Department sa isang tweet na nagsabing, “Today, Ricky Hawk, 23, was arrested for the murder of his cousin Frederick Rooks, 34.”

Ayon naman sa isang hiwalay na ulat, ang pulis ay rumesponde sa pamamaril ng madaling-araw at nahantungan ang patay na katawan ni Rooks na maraming sugat sa pamamaril.

Naaresto rin si Silento nitong Agosto matapos pumasok ng isang bahay at inatake ang mga residente. Mayroon siyang dala-dalang hatchet at pinagbantaan ang mga residente gamit ito. Kalaunan naman ay nadisarma siya ng isa sa mga ito at nahuli.

Leave a Reply

Your email address will not be published.