Ang posibleng tambalang Sara Duterte at Pangulong Duterte ay kakaharap ng pagsubok sa paparating na Halalan 2022 ayon sa isang political analyst

Ang posibleng tambalan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang VP candidate at ng anak nitong si Mayor Sara Duterte-Carpio bilang Presidential candidate ay maaaring kumaharap ng mga pagsubok.
Ani ni Ramon Casiple, isang political analyst, “There’s an inherent problem there because both are from Mindanao. Mindanao has a very low number of voters.
Considering this will be a strong election, it’s a negative factor if it’s a Duterte-Duterte.”
Ngunit ang posibilidad na ito ay hindi pa nakumpira at baka paraan lang ng kampo ng Pangulo upang ma-discourage ang ibang maaaring tumakbo.
Si Pangulong Duterte ay magiging76 na sa buwang ito, at paulit-ulit nang nagbitaw ng pahayag na siya’y pagod na at hindi na makikita sa larangan ng politika pagkatapos ng kanyang termino. Habang ang anak naman nitong si Sara ay nagsabi na ring hindi niya gustong tumakbo pagka-Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *