Ang pinambili ng spaghetti, huling P300 ng ina pala?!
Nasaksihan ang pagmamahal ng isang ina sa kwento ng Biliran birthday boy, na nag-viral dahil sa handang spaghetti sa kasagsagan ng bagyong Bising.
Ang post ay bumibida kay Delio na nagdiriwang ng birthday sa araw ng paghagupa ng bagyo sa lugar nila, ang Cabucgayan, Biliran.
Pinagsikapan pala talaga ito ng kanyang ina na si Rhea na nagsabing, “Kahit malakas ang ulan, lumabas po ako para lang bumili ng pansahog ng spaghetti.”
Ang pinambili rin daw ng pansahog ay ang huling P300 ng pamilya.
Ibinahagi rin nila kung paanong mahirap na ang pamumuhay dahil kakamatay lang ama ni Delio noong Abril 2. Ani ni Rhea, “
Sobrang hirap dahil wala akong katuwang kasi pagdating namin sa bahay, meron na kaming pagkain. Pagdating ko, kumpleto na, kakain na lang ako.”
Ngunit matapos mag-viral ang post, nakatanggap na sila ng tulong. Kasali ang cash, pagkain, at isang brand-new tablet.
Nakatanggap din si Delio ng scholarship at bagong bisikleta galing sa LGU ng Cabucgayan.