Ang pinaka-advanced na astrobiology rover na Perseverance, magsisimula na sa trabaho!

Ang ‘Perseverance’ rover ng NASA, na itinuturing na pinaka-advanced nitong astrobiology laboratory na ipapadala sa ibang planeta, ay lumapag ng maayos sa lapag ng isang malaking crater sa Mars upang maganap ang tungkulin nitong maghanap ng mga labi ng ancient microbial life dito.

Sakay ng isang spacecraft, naglakbay ng 293M miles (o 472M km) ang Perseverance sa space ng pitong buwan, upang makarating sa surface ng Red planet.

Sa webcast ng NASA sa pangyayaring ito, itinala ng Associate Administrator for Science ng NASA na ang naganap na landing ng Perseverance ay, “Is really the beginning of a new era.”

Ang $ 2.7B na proyektong ito ay naglalayong makahanap ng posibleng fossilized signs ng microbes na maaaring nanahan sa Mars ng 3 billion years ago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *