Ang paalam na maggo-golf lang, sinagad na’t hindi na umuwi!
Rebelasyon ang mga inilalabas ng aktres na si Candy Pangilinan para sa Vlog-TV series ni Toni Gonzaga.
Nag-trending ang video dahil sa dami ng naka-relate sa mga pinagdaanan ni Candy, mula sa pagiging single mom at sa mas malalim na isyu gaya ng mga problema nila ng dating asawa.
Bago pa raw ang kasalan sa pagitan nila, komplikado na talaga ang relasyon kasama ang asawa. Mas napa-grabe umano ang sitwasyon ng siya’y mabuntis at kinasal sila.
Binahagi ng aktres na, “Before I gave birth (kay Quentin) nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako.”
Nabiktima rin ito ng ‘ghosting’ dahil ito ang pinadama sa kanya ng dating asawa, na nagpaalam lang sanang maglaro ng golf pero hindi na umuwi.
Ayon sa aktres,” Nagpaalam siya maggo-golf siya, tapos hindi ko na alam kung ano’ng butas ang tinira niya sorry!”
Nang madako ang usapan sa kanyang anak, ang sabi ni Candy ay, “He’s my ticket to heaven. Kasi grabe ‘yung tinuro niya sa akin. ‘Yung pasensya, ‘yung tolerance, tsaka ‘yung to live simply. ‘Yung ang simple ng buhay.”