Ang natulungan na ni Ivana na manininda ng puto at kutsinta, pinag-shopping ni Ivana!

Tinupad na ni Ivana Alawi ang pangako nito sa tinderong napaiyak dati dahil sa tulong na hinandog niya.
Nag-viral online ang mga litratong patagong kinuha ni Ivana at ni Joselito Martinez, ang tindero ng puto’t kutsinta sa luma niyang video.
Makikita sa litrato na si Ivana at Mang Joselito ay nasa loob ng isang appliance center, motor shop, restaurant at grocery store.
Si Mang Joselito ang nagpaiyak kay Ivana ng lubos noong magpanggap siyang pulubi.
Nauna nang bigyan ni Ivana ng PHP 20,000 ang street vendor bilang panukli sa bente pesos na inilimos nito sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.