Ang nangunguna sa laban kontra pandemya ay hindi kailangang mga doktor

Ipinaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules na ang nag-spearhead umano sa laban kontra COVID-19 ay hindi kailangang mga doktor. Ito ay kanyang depensa sa pagpili ng mga former military officers bilang mga nangunguna sa government response laban sa pandemya.
Sa kanyang pre-recorded televised briefing nabanggit ni Duterte ang, “You’re asking me: ‘Why are you so attached to those who were in the military? They know nothing.’
This is a mechanical act. It is not a study of medicine. This like a transaction in business.”
Ito umano ang rason bakit niya pinili si Carlito Galvez Jr., isang retired Army general, na pangunahan ang katawan ng gobyerno na nakatoka sa pagsupil ng mga epekto ng pandemya sa bansa.
Idinagdag pa nito, “You need not be a doctor here because you are transacting a business. It is not really a matter of medical science you are talking of.”
Sa simula pa lamang ng pandemya ay sentro na ng kritisismo si Duterte sa hindi nito pagpili ng mga health experts bilang mga miyembro ng government response team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *