“Ang mga ospital ay lugar-gamutan, hindi kulungan!”

Gusto nang ipagbawal ni Senator Risa Hontiveros ang hindi pagpapauwi ng ospital sa mga pasyenteng walang maipambayad sa serbisyong natanggap nila.

Ani pa ni Hontiveros, “Ang mga ospital ay lugar-gamutan, hindi kulungan.”

Malugod nitong isinusulong ngayon ang Anti-Hospital Detention upang maipagbawal ang gawaing pag-detain ng pasyente o cadaver sa ospital dahil sa kawalan ng bayad.

Idinagdag pa nito na, “Walang mayaman o mahirap pagdating sa kalusugan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.