Ang mga komunidad ay makakagamit ng Multi-purpose covered courts na mayroong mga training center, community facilities, at community gardens!

Ibinida ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga magagandang public facilities sa loob ng mga Yolanda Housing sites na itinayo nila para sa mga beneficiaries.

Si Nograles ang naging Chairperson ng IATF for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda Affected Areas na ngayo’y bumubuhos ng pokus sa pagbubuo at pagbabahagi ng housing units sa mga benepisyaryo.

Hindi lang ligtas na komunidad at matibay na pamamahay ang ibinahagi ng programa sa mga residente, kung hindi pati na rin mga public facilities na para sa enjoyment ng mga lilipat sa lugar.

Ang housing sites ay may mga multi-purpose covered courts na maglalaman ng mga training centers at community facilities na kanya-kanyang pwedeng gamitin ng mga residente.

Naglagay din sila ng mga community gardens sa lugar upang maging food source at livelihood opportunity ng mga benepisyaryo.

Pahayag ni Nograles, “These new and free houses give people dignity, assure them that government prioritizes them, and would want them to live meaningful and productive lives.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *